Aralin 19 - Pagpaplano
Dayalogo: Sa Linggo
JUAN: Ano ang gagawin mo sa Linggo?
PEDRO: Maglalaro ako ng tennis. Ikaw?
JUAN: Tatapusin ko ang report ko. Saan ka maglalaro ng tennis?
PEDRO: Sa campus tennis court.
JUAN: Makikipaglaro ka ba ng tennis kay Ramon?
PEDRO: Hindi. Tutugtog siya ng piyano sa kasal ng pinsan niya. Kalaro ko si Jose.
JUAN: Magluluto ako ng adobo. Gusto mo bang dumaan sa bahay ko?
PEDRO: Sige. Makikikain ako sa bahay mo dahil ayaw kong magluto.