Aralin 32 - Pangangatwiran
Dayalogo: Hindi Ako Papayag Diyan!
ANAK: Nanay, puwede ho ba akong pumunta sa Davao?
NANAY: Aba, hindi puwede. Delikado sa Mindanao.
ANAK: Hindi naman lahat ng lugar sa Mindanao ay delikado.
NANAY: Baka makidnap ka.
ANAK: Mag-iingat ho ako.
NANAY: Kahit na. May travel advisory na hindi dapat magbiyahe ang mga Amerikano sa Pilipinas.
ANAK: Pero mukha naman ho akong Pilipino.
NANAY: Naku, wala ka naming gagawin sa Davao.
ANAK: Gusto ko hong pumunta sa Pearl Farm.
NANAY: Sa Boracay ka na lang pumunta. Maganda rin ang dagat doon.