ANG DUWAG NA PUSA | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES
Ang Duwag na Pusa
Kuwento ni Russel Punter
Isinalarawan ni Gustavo Mazali
(MUSIC)
May isang pusa na nakatira sa isang malaking bayan.
Ang kanyang pangalan ay Stanley.
Ngunit tinatawag siya ng lahat na Pusang Duwag ...
Magandang umaga, Pusang Duwag.
Yikes!
... dahil natatakot siya sa lahat.
Takot siya sa mga eroplano….
at tren ...
"Pusang Duwag!"
Takot siya sa mga batang lalaki ...
.... at maiingay.
"Pusang Duwag!"
Takot siya sa mataas na lugar ...
... at sa saranggola.
"Pusang Duwag!"
Natatakot siya sa mga palaka ...
... at sa mga aso.
"Pusang Duwag!"
Si Stanley ay ang pinakamalaking duwag na pusa sa bayan.
Isang gabi, naglalakad si Stanley kasama ang kanyang
mga kaibigan na sina Tabby at Puti.
Isang maliit at mabalahibo ang tumakbo sa kanilang daanan.
Isang bubwit!
"Habulin natin ito," sabi ni Tabby.
"Huwag na," sigaw ni Stanley.
"Huwag nyong palapitin sa kin yan!"
Ang bubwit ay tumakbo sa loob ng isang bahay.
"Mukhang walang tao sa loob ng bahay," sabi ni Puti.
Paano natin mahuhuli ang bubwit na iyon?
"Narito ang isang daanan ng pusa," sabi ni Tabby.
"Pumasok tayo."
Paano kung ang bahay ay pinagmumultuhan? "sabi ni Stanley.
Nanginginig siya.
"Duwag na Pusa!"
Ngunit sinundan niya ang kanyang mga kaibigan sa loob.
"Ngayon nasaan na ang bubwit na iyon?" sabi ni Tabby.
Bigla, tumakbo ang bubwit sa pasilyo at pababa sa bodega ng alak.
"Tignan ninyo!"
"Dito!" sabi ni Puti.
Halika na!
Tumakbo sina Puti at Tabby pababa.
"Masyadong madilim doon sa baba," sabi ni Stanley.
"Dito na lang ako."
Pusang Duwag!
Ngayong nag-iisa si Stanley, nakaramdam siya ng takot.
"S...s....siguro dapat ay sumama na lang ako sa kanila, "naisip niya.
Nakaramdam si Stanley ng ingay.
May isang bagay sa sala.
"A ... a .... ano yun?" pagtataka niya.
Narinig niya ang "Bang ..."
"Bang!"
"Bang!"
Higante!
"Puti, punta ka dito!" tawag ni Stanley.
"May isang higante sa sala."
Nagtatakbo paakyat si Puti sa hagdan.
"Isang higante?" tanong niya.
"Sigurado ka?"
Parating na para kunin tayo!
Si Puti ay gumapang papunta sa sala.
"Yun lang bintana ang kumakalampag," sabi ni Puti.
"Eeh, maaaring ito ay isang higante," sabi ni Stanley.
"Ikaw ay talagang pusang duwag," sabi ni Puti.
"May huhulihin pa kong bubwit."
Tumakbo si Puti pabalik sa baba.
Pero, nakarinig si Stanley ng isang ingay.
May isang bagay sa banyo.
"A ... a ... ano yun?" siya ay nagtaka.
Narinig niya ang "Woo ...."
"Wooo!"
"Woooo!"
Multo!
"Woooooooooooooooooooo!"
"Halika rito, Tabby!" tawag ni Stanley.
"May multo sa banyo."
Nagtatakbo pataas ng hagdan si Tabby.
"Isang multo?" tanong niya.
"Sigurado ka?"
Paparating na para kunin tayo!
Pumasok si Tabby sa banyo.
"Hangin lang ito," sabi ni Tabby.
Woooooooooooooooooooooo!
"Eeh, maaaring ito rin ay isang multo," sabi ni Stanley.
"Talagang matatakuting pusa ka, "sabi ni Tabby.
"May huhulihin pa akong bubwit."
Tumakbo pabalik sa ibaba si Tabby.
Pagkatapos, nakakita si Stanley ng isang namumukol na
bagay sa likuran ng mga kurtina.
"A ... a ... ano yun?" pagtataka niya.
Narinig niya ang "Ungol! ..."
"Ungol!"
"Ungol!"
Halimaw!
"Halika rito, Puti!" sigaw ni Stanley.
"May halimaw sa sala."
"Hindi ako naniniwala sa iyo," sigaw din ni Puti.
Andiyan na!
Ang 'Halimaw' ay papalapit nang papalapit.
"Halika rito, Tabby!" sigaw ni Stanley.
"Mayroon talagang isang halimaw sa sala."
Andiyan na talaga para kunin tayo!
"Hindi ako naniniwala sa iyo," tawag ni Tabby.
Ang halimaw ay lumapit pa rin.
Lumapit ito ... at palapit ... nang palapit.
Ngayon ito ay nasa tuktok na ni Stanley.
Sinubukan ni Stanley na tumakbo.
Pero siya ay napako sa pwesto niya sa takot.
Andiyan na talaga para kunin ako!
Natisod ang halimaw kay Stanley.
Nasalabid ito sa kurtina ...
nagpaikot-ikot ito….
at natumba at maingay na lumagapak sa sahig.
Umakyat sa hagdanan si Puti at Tabby.
"Anong nangyari?"
Umuwi ang ginang na nakatira sa bahay.
"Anong nangyari?"
Ang isang ulo ay lumabas sa kurtina.
"Anong nangyari?
Ngunit hindi ito isang halimaw.
Hinagod ng ginang si Stanley.
"Mukhang nakahuli ka ng magnanakaw, mabait na pusa."
"Ako?"
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya,
nakaramdam si Stanley ng katapangan.
Binigyan ng ginang si Stanley ng isang espesyal na
gantimpala para sa pagkakahuli niya sa magnanakaw.
Bayani ka.
Magaling, Stanley.
Mula noon, hindi na natatakot si Stanley sa kahit ano.
At wala nang tumatawag sa kanya ng Pusang Duwag...
kahit kailan.