May bagong kasintahan si Andy.
Sara ang pangalan ng kasintahan niya.
Gusto ni Andy magluto ng hapunan para kay Sara.
Pumunta siya sa groseri.
Kumuha si Andy ng basket at kart.
Naglakad siya lagpas sa pasilyo ng gulay.
Tiningnan niya ang isda sa priser.
Tumayo siya malapit sa lamesa ng ensalada.
Sa wakas, umalis siya sa tindahan.
Umuwi sa bahay si Andy at bumili ng pitsa.
Narito ang parehong kuwento na sinabi sa ibang paraan.
Meron akong bagong kasintahan.
Sara ang pangalan niya.
Gusto ko gumawa ng hapunan para kay Sara.
Pumunta ako sa groseri.
Kumuha ako ng basket at ng kart.
Naglakad ako lagpas sa pasilyo ng gulay.
Tiningnan ko ang isda sa priser.
Tumayo ako malapit sa lamesa ng ensalada.
Sa wakas, umalis ako sa tindahan.
Umuwi ako sa bahay at bumili ng pitsa.
Mga Tanong:
1- Si Andy ay may bagong kasintahan na nagngangalang Sara.
May bagong kasintahan ba si Andy?
Oo, si Andy ay may bagong kasintahan.
Sara ang pangalan niya.
2- Gusto ni Andy magluto ng hapunan para kay Sara.
Gusto ba ni Andy magluto ng tanghalian para kay Sara?
Hindi, hindi gusto magluto ng tanghalian ni Andy para kay Sara.
Gusto niya gumawa ng hapunan.
3- Pumunta sa groseri si Andy para bumili ng pagkain.
Pumunta ba si Andy sa groseri?
Oo, pumunta si Andy sa groseri para bumili ng pagkain
4- Naglakad si Andy lagpas sa pasilyo ng gulay.
Bumili ba ng gulay si Andy?
Hindi, hindi bumili ng gulay si Andy.
Nilagpasan niya ang pasilyo ng gulay.
5- Tiningnan ni Andy ang isda sa priser, pero hindi siya bumili ng kahit ano.
Tiningnan ba ni Andy yung isda?
Oo, tiningnan ni Andy yung isda sa priser, pero hindi siya bumili ng kahit ano.
6- Sa wakas ay umalis si Andy sa tindahan at umuwi sa bahay.
Nanatili ba si Andy sa tindahan?
Hindi, si Andy ay sa wakas umalis sa tindahan at umuwi sa bahay.
7- Sa halip ay bumili si Andy ng pitsa.
Nagluto ba ng hapunan si Andy?
Hindi, hindi nagluto ng hapunan si Andy.
Sa halip ay bumili siya ng pitsa.