×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO... – Text to read

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: ANG BARUMBADONG BUS WITH TAGALOG SUBTITLES

Intermedio 1 de tagalo lesson to practice reading

Comienza a aprender esta lección ya

FILIPINO BOOK: ANG BARUMBADONG BUS WITH TAGALOG SUBTITLES

Ang Barumbadong Bus

Kuwento ni Rene Villanueva

Guhit ni Jo-Ann Bereber Gando

(MUSIC)

"Ako ang hari ng kalsada,"sabi niya.

Takot ang lahat ng jeep at kotse sa kaniya.

"Sa daan, ako ang tunay na bida!"

Walang kinatatakutan si Kas.

Hindi siya takot sa jeep at sa kotse.

Hindi rin siya takot sa taxi.

Kahit sa pulis at sa pasahero, hindi rin takot si Kas.

Ang bilis-bilis ng takbo ni Kas kaya takot na takot ang mga pasahero.

"Para! Para-a-a-a!" sabi nila.

Pero humihinto lang si Kas kung saan at kailan niya gusto.

Pagbaba ng mga pasahero, nerbiyos na nerbiyos sila.

Dahan-dahan lang ang takbo, sabi nila kay Kas.

Hindi sila pinansin ng barumbado.

Kahit pulis ay walang magawa.

"Ayan na! Ayan na si Kaskasero!

Unahan ang lahat sa pagtakbo para iwasan ang bus na barumbado.

Talagang walang magawa ang lahat kay Kas.

Kahit ilang ulit siyang pagsabihan, talagang matigas ang ulo.

"Ako ang hari ng kalsada," lagi niyang sinasabi.

"Gagawin ko ang lahat ng gusto ko."

Walang pinakikinggan si Kas.

"Dahan-dahan lang, Kaskasero," sabi ng mga halaman sa daan.

Binugahan lang sila ng usok ni Kas, saka nagtatawang humarurot nang husto.

Inubo nang inubo ang mga halaman.

Pero hindi man lang lumingon si Kaskasero.

Sa loob-loob niya: "'Yan ang mabuti sa pakialamero."

At muli siyang kumaripas ng takbo.

Minsa'y kinausap siya ni Ulap.

"Wag ka namang buga nang buga ng usok."

Nangitim pati ilong ni Ulap.

Sa dumi ng usok, muntik na siyang maiyak.

"Salbahe talaga si Kaskasero!

Siya ay bus na walang modo."

Kahit ang araw at ang buwan ay walang nagawa kay Kas.

Wala siyang pinakikinggan kahit na sino.

"Ako ang hari ng kalsada," ang katwiran niya.

"Magagawa ko kahit anong gusto ko!"

Isang araw, naglasing si Kas.

"Glug-glug-glug-glug."

Inom nang inom si Kas.

"Glug-glug-glug-glug:,

Pinigilan siya ng ulap at ng araw, pero hindi nakinig si Kaskasero.

Kahit lasing na lasing, naisip pa rin niyang magyabang.

Kahit paekis-ekis ang mga gulong, pumaspas pa rin siya sa gitna ng daan.

"Ako ang hari ng kalsada!, sabi niya, saka bumusina nang bumusina.

Mabilis na mabilis ang takbo ni Kas.

Mabuti na lang at wala siyang sakay.

Lasing na lasing ang bus na walang modo.

Ang bilis-bilis ng kaniyang takbo.

Mas mabilis pa sa jeep.

Mas mabilis pa sa taxi.

Mas mabilis pa sa kotse.

Pero hindi, pa rin siya nasiyahan.

Ang takbo'y lalo pa niyang binilisan!

Nabangga si Kas.

Bali-bali ang bakal, at ang tubo.

Wasak ang makina at baluktot ang tambutso.

Parang napisang lata si Kaskasero.

Hindi na ulit nakalabas ng daan si Kaskasero.

Siya ay itinapon sa tambakan ng mga lumang sasakyan.

Doon sa libingan ng mga walang modo, hindi na makapagyabang si Kaskasero.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE