×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), BATANG N... – Text to read

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), BATANG NAGSINUNGALING SA LOBO (THE BOY WHO CRIED WOLF) | CHILDREN'S BOOK WITH TAGALOG SUBTITLES

Intermedio 1 de tagalo lesson to practice reading

Comienza a aprender esta lección ya

BATANG NAGSINUNGALING SA LOBO (THE BOY WHO CRIED WOLF) | CHILDREN'S BOOK WITH TAGALOG SUBTITLES

ANG BATANG NAGSINUNGALING TUNGKOL SA LOBO

Halaw mula sa pabula ni Aesop

Muling isinalaysay ni Boots S. A. Pastor

Noong araw sa isang malayong bayan, may isang mapagbirong batang lalaking pastol.

Habang nanginginain ang kanyang mga tupa sa parang,

wala siyang ginawa kundi umakyat sa puno, matulog sa lilim o manghuli ng insekto.

'Di naglaon, nabagot ang batang lalaki sa pagpapastol.

Para aliwin ang sarili, tumakbo siya pababa ng parang at nagsisigaw.

"Lobo! Sinugod ng mga lobo ang mga tupa ko!"

Agad na dinaluhan ng mga magsasaka sa di-kalayuan ang batang pastol,

ngunit laking dismaya nila nang wala silang makitang lobo.

Aliw na aliw na pinagtawanan ng batang pastol ang mga tao.

Galit na umalis na lamang ang mga magsasaka.

Pagkaraan ng ilang araw ay nainip na naman ang batang pastol.

Muli, tumakbo siya sa bukid at sumigaw na sumugod na naman ang mga lobo at nilalapa ang kanyang mga alaga.

"Totoong sinugod ng mga lobo ang aking mga tupa! Saklolo!"

Muli, dumalo ang mga tao, ngunit wala na naman silang nakitang lobo.

Dahil naisahan na naman niya ang mga tao, tumawa nang tumawa ang batang pastol.

Isang araw sa parang, may dumating na mga lobo.

Mukhang gutom na gutom ang mga ito at handang manila!

Natakot ang batang pastol.

Kumaripas ng takbo ang batang pastol at tinungo ang mga taong nagtatrabaho sa bukid.

"Lobo! Mga lobo!" sigaw niya.

"Sinugod ng mga lobo ang aking mga tupa!"

Sa pagkakataong ito, wala ni isang sumaklolo sa batang pastol.

Nagpatuloy lamang ang mga magsasaka sa kanilang ginagawa.

Alam nila, iisahan na naman sila ng pastol.

Pagbalik niya sa parang ay nakita ng batang pastol na tangay na ng mga lobo ang lahat ng kanyang mga alaga.

Nanlumo siya. Ngayon ay wala na siyang aalagaang tupa.

ARAL NG KUWENTO:

'HUWAG MAGSINUNGALING, DAHIL KAPAG NAGSABI KA NG TOTOO, WALA NANG MANINIWALA SA IYO.'

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE