×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

Bakit Ba - Siakol

Bakit Ba - Siakol

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama

Mas okay pang laging gan'to, nalilimutan ka

Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo

Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal

Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal

At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita

Subalit nasaan ka na? Sumama sa iba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko?

Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo?

Sana ay mahalin ka n'ya at 'wag kang sasaktan

Kahit 'di na tayo, problema mo'y sabihin lang

Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin

Nagbabakasakali na muli kang dumating

Bakit ba kay hirap ng kalagayan ko ngayon?

Kaya't sa 'king sarili ay laging nagtatanong

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit?

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE