Aralin 7 - Ang Aking Pamilya
Dayalogo: Tiya Mo Ba Siya?
PEDRO: Kumusta? Ako si Pedro Santos.
CLARA: Ako naman si Clara Dimagiba.
PEDRO: Kaano-ano mo si Binibining Perpetua Dimagiba?
CLARA: Tiya ko siya.
PEDRO: Talaga? Kapitbahay ko siya.
(Ituturo ni Clara ang tiya niya.)
CLARA: Kapatid siya ng tatay ko. Hayun ang tatay ko. Siya ang lalaking naka-suot ng puting polo-shirt at itim na pantalon.