×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), Aralin 30 - Paglalarawan ng Damdamin

Aralin 30 - Paglalarawan ng Damdamin

Dayalogo: Pagbati at Pakikiramay

CLARA: Juan! Kumusta ka?

JUAN: Mabuti naman. Masayang-masaya ako ngayon.

CLARA: Balita ko ay natanggap ka raw sa law school.

JUAN: Oo nga. Nagbunga din ang pagsusunog ko ng kilay.

CLARA: Binabati kita.

JUAN: Salamat, Clara. May kasiyahan kami mamayang gabi. Puwede ka ba?

CLARA: Pasensiya ka na, pupunta ako sa lamay ng tiyahin ko.

JUAN: Ganoon ba? Nakikiramay ako. Kaya pala mukha kang Biyernes santo.

CLARA: Salamat. Malapit ako sa kanya.

JUAN: Talaga?

CLARA: Oo, akala ng iba ay istrikta siya.

JUAN: Ganoon ba?

CLARA: Pero mabait siya. Matigas lang ang mukha.

JUAN: Ano ang ikinamatay niya?

CLARA: Atake sa puso.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE