Aralin 2 - Pagbati
Ito Si Ginang Cruz ...
PEDRO : Magandang umaga po, Ginang Cruz.
GINANG CRUZ : Magandang umaga naman, Pedro.
PEDRO : Ginang Cruz, ito po si Maria. Kaklase ko siya.
GINANG CRUZ : Ikinagagalak kong makilala ka, Maria.
PEDRO : Maria, si Ginang Cruz. Guro ko siya.
MARIA : Ikinagagalak ko rin pong makilala kayo.