Aralin 18 - Ang Aking Bakasyon
Dayalogo: Bakasyon sa Hawaii
CLARA: Maria, kumusta? May pasalubong ako sa iyo.
MARIA: Salamat. Kumusta ang bakasyon mo?
CLARA: Masaya. Nagpunta ako sa Hawaii.
MARIA: Sino ang kasama mo?
CLARA: Kasama ko ang nanay ko, ang tatay ko, at ang dalawa kong kapatid.
MARIA: Ano ang ginawa mo sa Hawaii?
CLARA: Lumangoy ako sa dagat. Namasyal kami sa (isang) taniman ng pinya.
MARIA: Ano ang kinain mo?
CLARA: Kumain ako ng macadamia nuts.
MARIA: Ano pa ang ginawa mo?
CLARA: Namili ako at nagpamasahe sa spa. Ikaw, saan ka nagbakasyon?
MARIA: Dito lang ako sa Oakland.