Aralin 16 - Pagpunta sa Salo-salo ng May Kaarawan
Dayalogo: Maligayang Kaarawan!
JUAN: Tao po!
CLARA: Ikaw pala, Juan! (Tuloy ka!)
JUAN: Maligayang kaarawan, Clara!
CLARA: Maraming salamat, Juan.
JUAN: Pagpasensiyahan mo na ang maliit na regalo ko.
CLARA: Nag-abala ka pa.
JUAN: Hindi ba't ika-labingwalong kaarawan mo ngayon?
CLARA: Naku, hindi. Labinsiyam na ako.
JUAN: Ganoon ba?