Aralin 11 - Pagpunta sa Eskuwelahan
MARIA: Pedro! Ano ang hinihintay mo?
PEDRO: Ang jeepney papuntang unibersidad. Ikaw, saan ka pupunta?
MARIA: Pupunta ako sa opisina ko sa Makati.
PEDRO: Paano ka pupunta sa Makati?
MARIA: Sasakay ako ng tren.
PEDRO: Magkano ang pamasahe mula dito hanggang Makati?
MARIA: Trenta pesos.
PEDRO: Sige. Heto na ang jeepney ko.
MARIA: Sige.