Aralin 10 - Pamimili
Dayalogo: Pagbili ng Prutas
JUAN: Pabili nga ho ng mangga.
TINDERA: Aling mangga?
JUAN: Iyon hong hinog na mangga. Magkano ho?
TINDERA: Sitenta pesos isang kilo. Matamis 'yan!
JUAN: Meron ho bang tawad?
TINDERA: May tawad. Sisenta pesos na lang.
JUAN: Heto ho ang isang daang piso.
TINDERA: Heto ho ang sukli ninyo.
JUAN: Salamat ho.
[Dayalogo Variation]
JUAN: Mawalang galang na ho, kulang ho yata ang sukli niyo.
TINDERA: Pasensiya na kayo. Heto ho ang tamang sukli.