6.9 Pagbabasa (Ako at ang Aking mga Kaibigan)
Pilipino ako. Taga-Bontoc ako. Nasa Mountain Province ang Bontoc at nasa Cordillera Administrative Region ang Mountain Province. Nasa hilaga ng isla ng Luzon ang Cordillera Administrative Region. Nakatira na ako ngayon sa Maynila.
Amerikano si Robert. Taga-Connecticut siya pero nakatira siya sa San Francisco. Ang lungsod ng San Francisco ay nasa California. Maganda ang San Francisco.
Hapon si Ginoong Oue. Taga-Hiroshima siya pero nakatira siya sa Minoo-shi. Nasa Osaka sa bansang Hapon ang Minoo-shi. Malinis ang Minoo-shi.