×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 22.3 Pagbabasa - Minatamis (Poem at mga tanong)

22.3 Pagbabasa - Minatamis (Poem at mga tanong)

Sa ganitong paraan ako nagmamahal,

Dahan-dahan na parang

Gumagawa ng minatamis sa tag-araw.

Iniipon ko ang kamias

Sa isang sisidlan,

Isa-isa na para bang nangangambang

May makaligtaan.

-

Tinutusok ko ang kamias

Bago iwan sa palamigan

Nang kung ilang araw,

Pagkatapos ay ilalabas

Para pisilin ng mga daliri

At makuha ang katas.

Kailangang mag-ingat

Para huwag magsugat ang balat.

-

Pinapagulong ko sa asukal ang kamias,

Ibinabalik sa palamigan,

At pag natuyo na'y saka lamang pinapakuluan

Sa arnibal.

Kailangang mabagal at marahan ang apoy

At nang di masunog ang asukal.

-

Sa ganitong paraan

Din ako magpapaalam. Ginagawang matamis

Ang asim at pait ng tag-araw.

-

Tanong (tungkol sa Pagbabasa)

1) Kailan niya ginagawa ang minatamis?

2) Ano ang iniipon niya sa isang sisidlan?

3) Saan niya iniiwan ang kamias nang ilang araw?

4) Bakit niya pinipisil ang kamias?

5) Bakit kailangang mag-ingat?

6) Saan niya pinapagulong ang kamias?

7) Bakit kailangang mabagal at marahan ang apoy?

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE