21.8 Dayalogo: Paborito Ko Ang Adobo!
JUAN: Ano ang paborito mong ulam, Maria?
MARIA: Pinakagusto ko ang adobo..
JUAN: Anong klaseng adobo?
MARIA: Manok at baboy na may kasamang atay. Ikaw?
JUAN: Sinigang.
MARIA: Anong klaseng sinigang?
JUAN: Paborito ko ang sinigang na bangus sa bayabas.
MARIA: Talaga? Mas gusto ko ang sinigang na baboy sa sampaloc.
JUAN: Ganoon ba?
MARIA: Lalo na kapag may gabi.
JUAN: Bakit?
MARIA: Kasi lumalapot ang sabaw kapag may gabi.