×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 19.5 Pagbabasa - (Isang lalaki ang napatay sa) Karaoke

19.5 Pagbabasa - (Isang lalaki ang napatay sa) Karaoke

General Santos, Philippines

- Isang lalaki ang napatay sa Midnight Blue Lounge sa General Santos City kahapon, ika-16 ng Abril. Ayon sa mga taong nakikipagkantahan sa bar, nagsimula ang lahat nang kumanta si Roger Dimalanta ng kantang “My Way.”

- Nagsimulang tumawa ang isang lalaking umiinom ng beer. Nakitawa naman ang mga kasama niyang ibang lalaki.

- Nagalit ang kaibigan ni Roger na si Elvis. Inilabas niya ang baril niya at pinaputok ito. Napatay niya si Lauro Martinez. Aksidente daw ang nangyari dahil hindi kasama si Lauro sa mga tumatawang lalaki. Nakikipagsaya lang si Lauro sa birthday party ng isang kaibigan sa malayong mesa.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE