×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 15.7 Pagbabasa - Ahas (sa loob ng fitting room)

15.7 Pagbabasa - Ahas (sa loob ng fitting room)

May urban legend sa Maynila. Mayroon daw ahas sa loob ng fitting rooms ng isang department store. Takot na takot ako sa loob ng fitting room. Sinusukat ko ang iba't ibang pulang damit. Valentine's Day na sa susunod na linggo at gusto kong isuot ang bestida sa date namin ni Mark.

-

- Bestida no.1. Strapless, form fitting. Sayang, masyadong masikip.

- Bestida no.2. Plunging neckline. May itim na sinturon. Sayang, napakaiksi naman.

- Bestida no.3. One-shoulder. Interesante ang disenyo. At kasyang-kasya sa akin.

-

Lumalabas na ako sa fitting room nang makita ko siya. Ang ex-girlfriend ng asawa ko. Ang babaeng tumatawag pa rin sa kanya sa telepono. Ang babaeng nag-iimbita sa kanya para magkape o kumain ng tanghalian.

Ano bang “friends-friends” lang? Tse! Tse! Tse! “Hello, Denise, ikaw pala!” “Vicky, Kumusta?” Tupperware - Orocan. (In other words, plastic moment). Kung hindi, matutuklaw siya ng pagseselos ko.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE