15.3 Dayalogo: Pagsusukat ng Damit
BARBARA: Ang ganda-ganda! Puwede ko ho bang sukatin ang bestidang ito?
TINDERA: Opo.
BARBARA: Nasaan ho ang fitting room?
TINDERA: Dumiretso ho kayo. Tapos, kumanan kayo sa dulo. Nasa kaliwa ninyo ang fitting room.
BARBARA: Maliit ho sa akin at napaka-iksi. Mayroon ba kayong size 8 ng bestidang ito?
TINDERA: Opo. Ano pong kulay ang gusto ninyo?
BARBARA: Kulay itim po.
TINDERA: Pasensiya na kayo. Wala na kaming kulay itim na size 8.
BARBARA: Brown na lang po.
TINDERA: Heto po. (Pagkatapos ng ilang minuto).
TINDERA: Kasya po ba?
BARBARA: Opo. Kukunin ko na ho.