15.2 Mga Pangungusap (bumili ng bestida)
- Gusto kong bumili ng bestida.
- Bestida ang gusto kong bilhin.
- Yari ang bestida sa Tsina.
- Kulay rosas ang bestida.
- Yari sa seda ang bestida.
- Para sa akin ang pantalong ito.
- Gawa sa "faux fur" ang coat na bibilhin ko.
- Magkapareho ang kulay ng mga damit namin ni Cynthia.
- Magkaiba ang disenyo ng sapatos ko sa sapatos niya.
- Ano ang gustong bilhin ni Juan?
- Ano ang gusto mong bilhin?
- Ano ang kulay ng bestida mo?
- Bumili ka ba ng pantalon noong isang taon?
- Saan ka bumili ng pantalon?
- Saan yari ang pantalon?
- Sa anong tela yari ang pantalon?
- Magkano ang pantalon?
- Kailan ka bibili ng jacket?
- Saan ka bibili ng jacket?
- Gawa sa anong tela o materyales ang jacket na bibilhin mo?
- Saan gawa ang jacket mo?