×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

LingQ Mini Stories, 8- Si Lisa ay namimili ng Sapatos – Text to read

LingQ Mini Stories, 8- Si Lisa ay namimili ng Sapatos

Principiante 2 de tagalo lesson to practice reading

Comienza a aprender esta lección ya

Gustong bumili ni Lisa ng bagong sapatos.

Pumunta siya sa tindahan ng sapatos.

Madaming magagandang sapatos doon

Sinubukan ni Lisa ang asul na sapatos

Masikip ang asul na sapatos

Sinubukan niya ang itim na sapatos

Ang sapatos na ito ay napaka komportable

Tinanong ni Lisa kung magkano ang itim na sapatos

Ang itim na sapatos ay apat na raan at limampung dolyar

Malungkot na binaba ni Lisa ang sapatos at umalis.

Narito ang parehong kuwento na sinabi sa ibang paraan.

Gusto kong bumili ng bagong sapatos.

Pumunta ako sa tindahan ng sapatos

Madaming magagandang sapatos doon

Sinubukan ko yung asul na sapatos

Ang asul na sapatos ay masikip

Sinubukan ko ang itim na sapatos

Ang sapatos na ito ay napaka komportable

Tinanong ko kung magkano yung itim na sapatos.

Ang itim na sapatos ay apat na raan at limampung dolyar

Malungkot kong binaba yung sapatos at umalis.

Mga Tanong:

1- Gusto bumili ng bagong sapatos ni Lisa.

Gusto ba ni Lisa bumili ng bagong sapatos?

Oo, gusto bumili ni Lisa ng bagong sapatos.

2- Madaming magagandang mga sapatos sa tindahan ng sapatos.

Madami bang mga sapatos sa tindahan ng sapatos?

Oo, madaming magagandang mga sapatos sa tindahan ng sapatos.

3- Sinubukan ni Lisa ang asul at ang itim na mga sapatos.

Dalawang pares ng sapatos ba ang sinubukan ni Lisa?

Oo, dalawang pares ng sapatos ang sinubukan ni Lisa.

Sinubukan niya ang asul at ang itim na sapatos.

4- Una, sinubukan ni Lisa ang asul na sapatos.

Una bang sinubukan ni Lisa ang pulang sapatos?

Hindi, hindi sumubok ng pulang sapatos si Lisa.

Sinubukan niya ang asul na sapatos.

5- Masyadong masikip yung asul na sapatos.

Komportable ba yung asul na sapatos?

Hindi, hindi komportable yung asul na sapatos.

Masyado itong masikip.

6- Sobrang komportable nung itim na sapatos.

Komportable ba yung itim na sapatos?

Oo, sobrang komportable nung itim na sapatos.

7- Ang itim na sapatos ay apat na raan at limampung dolyar.

Mahal ba yung itim na sapatos?

Oo, mahal yung itim na sapatos.

Apat na raan at limampung dolyar ito.

8- Binaba ni Lisa ang sapatos at umalis sa tindahan.

Binili ba ni Lisa ang sapatos?

Hindi, hindi binili ni Lisa ang sapatos.

Binaba niya ito at umalis sa tindahan.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE