×

Usamos cookies para ayudar a mejorar LingQ. Al visitar este sitio, aceptas nuestras politicas de cookie.

image

LingQ Mini Stories, 60- Dapat magdala ng payong si Anne

Sa palagay ko maaaring umulan ngayon, dahil may mga madilim na ulap sa kalangitan.

Kahit na hindi ito magsisimula ang pag-ulan, mas mabuting dalhin ko ang aking payong, dahil nabasa ako kahapon.

Minsan nagpasya akong huwag magdala ng payong.

Minsan nakakalimutan kong magdala.

Madalas akong magalangan magdala ng payong, kung kailan dapat.

Ito ay dahil alam kong madalas kong maiwan ang aking payong sa kung saan saan kapag ako ay nagdadala.

Gayunman, parang sa tuwing hindi ako magdadala ng payong, umuulan at nababasa ako.

Kahapon, halimbawa, naisip ko na hindi uulan, kahit na sinabi sa pagtatala na may dalawampung porsyento na pag-ulan.

Umalis ako sa bahay nang walang payong, umaasa para sa pinakamabuti.

Ngunit, umulan at basang basa ako.

Magiging mas maingat na lang ako.

Kailangan kong maging mas maingat tungkol sa pagdadala ng payong, at mas maingat sa pag-alala sa paguuwi nito.

Ang buhay ay puno ng mahihirap na mga desisyon.

Narito ang parehong kuwento na sinabi sa ibang paraan.

Akala ni Anne ay uulan noong Lunes, dahil may mga madilim na ulap sa kalangitan.

Kahit na hindi ito nagsimula ang pag-ulan, naisip niyang mabuting dalhin niya ang payong, dahil nabasa na siya kahapon.

Totoo na minsan nagpasya siyang huwag magdala ng payong o kaya ay nakakalimutan niya lamang magdala.

At saka madalas siyang magalangan magdala ng payong, kung kailan dapat.

Ito ay dahil alam niyang madalas niyang maiwan ang kanyang payong sa kung saan saan kapag siya ay nagdadala.

Gayunman, parang sa tuwing hindi siya nagdadala ng payong, umuulan at nababasa siya.

Noong isang araw, halimbawa, naisip niya na hindi uulan, kahit na sinabi sa pagtatala na may dalawampung porsyento na pag-ulan.

Umalis siya sa bahay nang walang payong, umaasa para sa pinakamabuti.

Ngunit, umulan at basang basa siya.

Naisip niya na mas magiging maingat na lang siya.

Kailangan niyang maging mas maingat tungkol sa pagdadala ng payong, at mas maingat sa pag-alala sa paguwi nito sa bahay.

Ang buhay ay puno ng mahihirap na mga desisyon.

Mga Tanong:

1- Sa palagay ko maaaring umulan ngayon, dahil may mga madilim na ulap sa kalangitan.

Bakit sa tingin ko maaaring umulan?

Sa palagay mo maaaring umulan dahil may madilim na ulap sa kalangitan.

2- Mas mabuting dalhin ko ang aking payong, dahil ako ay nabasa kahapon.

Bakit mas mabuting dalhin ko ang aking payong?

Dapat mong dalhin ang iyong payong dahil nabasa ka kahapon.

3- Madalas akong magalangang dalhin ang aking payong, kung kailan dapat.

Sigurado ba akong palaging magdala ng payong?

Hindi, kung minsan nagaalangan kang magdala ng payong.

4- Ito ay dahil alam kong madalas kong maiwan ang aking payong sa isang lugar kapag nagdala ako.

Ano ang madalas kong gawin sa aking payong?

Madalas kong maiwan ang aking payong sa kung saan saan kapag nagdadala ka.

5- Gayunman, para kay Anne na sa tuwing hindi siya nagdadala ng kanyang payong, umuulan at mababasa siya.

Ano ang mangyayari kay Anne kapag umuulan?

uulan at mababasa siya.

6- Noong isang araw, halimbawa, naisip niya na hindi uulan, kahit na sinabi sa pagtatala na may dalawampung porsyento na pagkakataon ng pag-ulan.

Ilang porsyento na posibilidad na pag-ulan ang sinabi na mayroon doon?

Sinabi ng pagtatala na may dalawampung porsyento na pagkakataon ng pag-ulan.

7- Naisip niya sa sarili niya na mas magiging ingat na lang siya.

Ano ang dapat gawin ni Anne?

Kailangan niyang mas maging maingat.

8- Kailangan niyang maging mas maingat sa pagdadala ng payong.

Ano ang dapat mas ikaingat ni Anne?

Dapat niyang mas ikaingat ang pagdadala ng payong.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE