Si Karen ay naiinip sa trabaho at sa bahay.
Paulit ulit ang ginagawa niya araw araw.
Gusto niya ng bagong libangan.
Una, sinubukan niyang magluto
Pero hindi masarap ang luto niya
Tapos, sinubukan niyang lumangoy.
Kaso takot siya sa tubig.
Si Karen ay naglakad pauwi sa bahay at nakakita ng tindahan ng alagang hayop
Sa loob ng tindahan ng alagang hayop, nakakita siya ng pusa!
Binili ni Karen ang pusa, at ngayon masayang masaya na siya
Narito ang parehong kuwento na sinabi sa ibang paraan.
Ako ay naiinip sa trabaho at sa bahay.
Paulit ulit ang ginagawa ko araw araw.
Gusto ko ng bagong libangan
Una, sinubukan kong magluto.
Pero hindi masarap ang luto ko
Tapos, sinubukan kong lumangoy
Kaso takot ako sa tubig
Naglakad ako pauwi ng bahay at nakakita ng tindahan ng alagang hayop
Sa loob ng tindahan ng alagang hayop, nakakita ako ng pusa!
Binili ko yung pusa, at ngayon masayang masaya na ako.
Mga Tanong:
1- Si Karen ay naiinip sa trabaho, at sa bahay.
Masaya ba sa trabaho si Karen?
Hindi, hindi masaya si Karen sa trabaho.
Siya ay naiinip sa trabaho, at sa bahay
2- Paulit ulit ang ginagawa ni Karen araw araw.
Madami bang bagong mga bagay ang nagagawa ni Karen?
Hindi, paulit ulit ang ginagawa ni Karen araw araw
3- Gusto ng bagong libangan ni Karen.
Gusto ba ni Karen ng bagong libangan?
Oo, gusto ni Karen ng bagong libangan.
4- Ang luto ni Karen ay hindi masarap.
Magaling bang kusinera si Karen?
Hindi, hindi magaling na kusinera si Karen.
Hindi masarap ang luto niya.
5- Takot sa tubig si Karen.
Gusto bang lumalangoy ni Karen?
Hindi, ayaw lumalangoy ni Karen.
Takot siya sa tubig
6- May nakitang pusa si Karen sa tindahan ng alagang hayop.
May nakita bang pusa si Karen sa tindahan ng alagang hayop?
Oo, may nakitang pusa si Karen sa tindahan ng alagang hayop.
7- Binili ni Karen ang pusa sa tindahan ng alagang hayop.
Binili ba ni Karen yung pusa?
Oo, binili ni Karen ang pusa galing sa tindahan ng alagang hayop.
8- Masayang masaya na si Karen dahil meron na siyang pusa.
Naiinip ba si Karen ngayon?
Hindi, hindi naiinip si Karen.
Masayang masaya siya dahil meron siyang pusa.