×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.


image

Storybooks Canada Tagalog, Mga Batang Sera

Mga Batang Sera

Noong unang panahon, may isang masayang mag-anak.

Pawang mga lalaki ang mga anak at hindi sila kailanman nag-aaway. Tinutulungan nila ang kanilang magulang sa bukid at sa gawaing-bahay.

Malaya nilang nagagawa ang anuman, maliban sa isang bagay. Hindi sila maaaring lumapit sa apoy.

Sa gabi lamang sila nagtatrabaho dahil sila ay mga sera!

Ngunit pinangarap ng isa na makita ang araw.

Isang umaga, hindi niya nalabanan ang matinding pag-aasam. Pinigilan siya ng kanyang mga kapatid…

Subalit huli na ang lahat! Siya ay nalusaw na ng mainit na araw.

Labis na nalungkot ang mga batang sera sa nakitang dinanas ng kapatid.

Kaya gumawa sila ng paraan upang matupad ang kanyang pangarap. Sama sama nilang hinubog ang serang labi ng kapatid at ginawa itong ibon.

Dinala nila ang ibon sa tuktok ng bundok.

At sabay ng pagsikat ng araw, lumipad ang ibon tungo sa liwanag ng araw, na may awit na taglay.


Mga Batang Sera Junge Sera Young Sera Jonge Sera

Noong unang panahon, may isang masayang mag-anak. Once upon a time, there was a happy family.

Pawang mga lalaki ang mga anak at hindi sila kailanman nag-aaway. The children are all boys and they never fight. Tinutulungan nila ang kanilang magulang sa bukid at sa gawaing-bahay. They help their parents in the fields and in the housework.

Malaya nilang nagagawa ang anuman, maliban sa isang bagay. They are free to do anything, except one thing. Hindi sila maaaring lumapit sa apoy. They cannot come near the fire.

Sa gabi lamang sila nagtatrabaho dahil sila ay mga sera! They only work at night because they are sera!

Ngunit pinangarap ng isa na makita ang araw. But one dreams of seeing the sun.

Isang umaga, hindi niya nalabanan ang matinding pag-aasam. One morning, he couldn't resist the intense anticipation. Pinigilan siya ng kanyang mga kapatid… His brothers stopped him…

Subalit huli na ang lahat! But it was too late! Siya ay nalusaw na ng mainit na araw. He was already melted by the hot sun.

Labis na nalungkot ang mga batang sera sa nakitang dinanas ng kapatid. The sera children were very sad to see what their brother suffered.

Kaya gumawa sila ng paraan upang matupad ang kanyang pangarap. So they made a way to make his dream come true. Sama sama nilang hinubog ang serang labi ng kapatid at ginawa itong ibon. Together they shaped their brother's lips and turned it into a bird.

Dinala nila ang ibon sa tuktok ng bundok. They took the bird to the top of the mountain.

At sabay ng pagsikat ng araw, lumipad ang ibon tungo sa liwanag ng araw, na may awit na taglay. And as the sun rose, the bird flew into the sunlight, with a song in it.