27.2 Pagbabasa - Liham ni Clara sa kanyang Lola
Ika-15 ng Agosto 2010
Mahal kong Lola,
Kumusta na po kayo?
Mabuti naman ang kalagayan ko dito sa Quezon City. Nakatira na po ako ngayon sa bahay nina Tito Boy at Tita Baby. Tapos na po ang Philippine Studies summer program namin sa unibersidad. Sa huling linggo ng programa, pumunta kami sa Boracay Island ng mga kaklase ko.
Alam po ba ninyo ang nangyari noong isang linggo? Malakas ang bagyo dito sa Maynila. Bumaha sa Marikina at nasira ang bahay nina Tita Mila. Dito sila tumira sa bahay nina Tita Baby ng isang linggo.
Pumunta agad kami ni Tita Baby sa bangko at nagpapalit ako ng dalawang daang dolyar. Ibinigay ko ito kay Tita Mila para makatulong sa kanila.
Magpapadala po ba kayo ng pera? Mas mabilis siguro kung sa pamamagitan ng internet. Puwedeng tumulong sa inyo si Nanay.
Sa Disyembre po ay pupunta ako sa Los Angeles. Kasal po ng kaibigan ko. May problema pa ako sa tiket ko at susulat uli ako kapag sigurado na ang petsa ng dating ko.
Magkita po tayo pagbisita ko riyan.
Nagmamahal,
Clara