×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Storybooks Canada Tagalog, Si Kambing, Si Aso, at Si Baka — 閱讀文本

Storybooks Canada Tagalog, Si Kambing, Si Aso, at Si Baka

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

Si Kambing, Si Aso, at Si Baka

Mabubuting magkakaibigan sina Kambing, si Aso, at si Baka. Isang araw, naglakbay sila sa isang taksi.

Nang matapos ang paglalakbay nila, pinagbayad ng drayber ang mga ito. Nagbayad si Baka.

May sukli si Aso dahil hindi eksakto ang binayad niya.

Ibibigay na sana ng drayber ang sukli ni Aso nang tumakbo si Kambing nang hindi nagbabayad.

Nainis ang drayber. Nagmaneho siya paalis nang hindi binibigay ang sukli ni Aso.

Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, tumatakbo si Aso papunta sa kotse para silipin at hanapin ang drayber na may utang sa kanya.

Tinatakbuhan ni Kambing ang tunog ng kotse. Natatakot siyang ma-aresto dahil hindi siya nagbayad.

At si Baka ay hindi naaabala kapag may sasakyang dumarating. Hindi siya nagmamadali sa pagtawid dahil alam niyang buo ang binayad niyang pamasahe.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE