×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Storybooks Canada Tagalog, Magaling si Zama! — 閱讀文本

Storybooks Canada Tagalog, Magaling si Zama!

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

Magaling si Zama!

Tanghali nang magising ang nakababata kong kapatid. Maaga akong gumigising, dahil magaling ako!

Ako ang nagpapapasok ng araw sa amin.

“Ikaw ang aking tala sa umaga,” sabi ni Ma.

Ako nang nagpapaligo sa sarili ko. Hindi ko na kailangan ng tulong.

Natitiis ko ang malamig na tubig at ang asul na mabahong sabon.

Paalala ni Ma, “‘Wag kalimutan ang ngipin!” Sagot ko, “Hindi, hinding-hindi!”

Pagkatapos maligo, binabati ko sina Lolo at Tita at hinahangad ang isang magandang araw para sa kanila.

Pagkatapos, binibihisan ko ang sarili ko. “Malaki na ako, Ma,” sabi ko.

Kaya ko nang magbutones at magsapatos mag-isa.

At sinisigurado kong alam ng nakababata kong kapatid ang mga balita sa paaralan.

Lagi kong pinagbubutihan sa klase.

Ginagawa ko ang mga mabubuting bagay na ito araw-araw. Pero ang pinakagusto kong gawin ay maglaro nang maglaro!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE