×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Storybooks Canada Tagalog, Kausap ni Khalai ang halaman — 閱讀文本

Storybooks Canada Tagalog, Kausap ni Khalai ang halaman

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

Kausap ni Khalai ang halaman

Ito si Khalai. Pitong taong gulang siya. Sa Lubukusu, “mabuti” ang kahulugan ng pangalan niya.

Kinakausap ni Khalai ang puno ng dalandan, “Dalandan, pasuyo naman, sana magkaroon ka ng marami at malalaking prutas.”

Naglalakad si Khalai papunta sa iskul. Nadadaanan niya ang damo, “Sana naman damo, lalo pang tumingkad ang berdeng kulay mo at ‘wag na ‘wag kang matutuyo.”

Napapansin din ni Khalai ang mga ligaw na bulaklak, “Tuloy niyo lang ang pamulaklak, para meron akong pampaganda ng buhok.”

Kinakausap din ni Khalai ang puno sa gitna ng iskul, “Plis naman, malaking puno, palaguin mo pa mga sanga para sa lilim mo kami ay makapagbasa.”

May nasasabi rin si Khalai sa mga halamang-bakod, “Magpakatibay kayo, pigilin ninyong makapasok ang masasamang tao.”

Pagkauwi, pinupuntahan agad ni Khalai ang dalandan, “Hinog na ba mga bunga?”

“Hay naku, hilaw pa rin pala. Bukas uli ha, dalandan. Pagbibigyan kita at baka meron ng hinog, kahit isa!”

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE