×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Storybooks Canada Tagalog, Andiswa, Soccer Bida — 閱讀文本

Storybooks Canada Tagalog, Andiswa, Soccer Bida

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

Andiswa, Soccer Bida

Pinanood ni Andiswa ang mga batang lalaking naglalaro ng soccer. Gustong-gusto niyang sumali sa praktis kanila. Nagpaalam siya sa coach.

“Dito sa iskul, lalaki lang pwedeng maglaro,” sabi ng coach nang nakapamewang.

Kinantiyawan si Andiswa ng mga batang lalaki at sinabing mas bagay siya sa netball na pambabaeng laro. Nainis si Andiswa.

Sa sumunod na araw, may malaking laban sa iskul. Nag-alala ang coach kasi maysakit ang pinakamagaling niyang manlalaro.

Nagmakaawa si Andiswa sa coach na payagan siyang maglaro. Hindi alam ng coach kung ano ang gagawin. Pero pumayag na rin siya sa huli.

Magaling ang kalaban. Half time na pero wala pang nakaka-iskor.

Sa second half, pinasa ng isang bata ang bola kay Andiswa. Mabilis siyang tumakbo palapit sa goal. Sinipa niya ang bola. Pasok sa goal!

Tuwang-tuwa ang lahat. Mula noon, pinayagan na ang mga babaeng maglaro ng soccer.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE