×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 9.4 Pa… — 閱讀文本

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 9.4 Pagbabasa - Cubao

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

9.4 Pagbabasa - Cubao

Taong 1967, at nag-aaral ako ng kindergarten sa Stella Maris College. Nasa Cubao ang eskuwelahan ko. Malaki ang eskuwelahan ko, at maganda at malinis ang Cubao. Nakasuot kaming mga estudyante ng puting blusa na may “sailor collar” at asul na palda. May maliit na simbahan sa loob ng eskuwelahan namin.

Malapit sa eskuwelahan namin ang maraming tindahan at restawran. Bumibili kami ng school supplies sa Vasquez at ng sapatos sa Gregg's, kumakain ng siopao at mami sa restawrang Ma Mon Luk, at ng manok sa Kobe chicken; at nanonood ng sine sa sinehang New Frontier.

Sa Pasko, nanonood kami ng Christmas display sa C.O.D Department store at ng “Holiday on Ice” sa Araneta Coliseum. Madumi at maingay na ngayon ang Cubao, pero iba ang Cubao na naaalala ko.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE