×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 17.6 P… — 閱讀文本

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 17.6 Pagbabasa - Isang Araw sa Buhay ni Cora

初級1 他加祿語 課程,練習閱讀

立即開始學習本課

17.6 Pagbabasa - Isang Araw sa Buhay ni Cora

Gumigising nang alas-singko ng umaga si Cora. Naliligo siya, nagsusuklay ng buhok at nagbibihis. Pagkatapos, pumupunta siya sa cafeteria ng dormitoryo para magtrabaho.

Alas-diyes ng umaga. Naglalakad si Cora mula sa dormitoryo hanggang sa kanyang klase. Linguistics ang major niya at nag-aaral siya ng siyensiya ng mga wika. Pagkatapos ng klase, nag-aaral siya sa aklatan.

Sa gabi, nasa cafeteria na naman si Cora at nagtatrabaho. Natatapos siya ng alas-diyes ng gabi. Nag-aaral siya sa kuwarto niya hanggang alas-onse. Pagkatapos, nagsisipilyo siya, naghihilamos, at natutulog.

Tuwing Sabado, dumadalo siya sa pulong at ensayo ng Alay Sining. May mga estudyante na kumakanta, may mga sumasayaw, may mga gumagawa ng dula, at may mga nagpipinta.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE