×

我们使用 cookie 帮助改善 LingQ。通过浏览本网站,表示你同意我们的 cookie 政策.

Storybooks Canada Tagalog, Ang Tindero ng Saging na si Tom – 阅读文本

Storybooks Canada Tagalog, Ang Tindero ng Saging na si Tom

初级1 他加禄语 课程,练习阅读

现在开始学习这个课程

Ang Tindero ng Saging na si Tom

Isang araw, pasan ni Tom ang isang kahon ng saging.

Dala-dala niya ito sa palengke para itinda.

Namimili ng prutas ang mga tao sa iba.

Pero walang bumibili kay Tom. Mas gusto nila ang mga babaeng tindera.

“Dito sa atin, babae lang ang naglalako,” sabi nila. “Anong klaseng lalaki ito?”

Pero hindi si Tom sumuko. “Bili na kayo ng saging! Matamis na saging kayo riyan!” sigaw niya.

May isang aleng lumapit kay Tom. Dinampot ang isang piling at matagal na tiningnan ang saging.

At saka bumili kay Tom.

Lumapit ang mga tao sa puwesto ni Tom. Bumili sila ng saging at kinain nila ito.

Mabilis na naubos ang saging. Agad binilang ni Tom ang kanyang kita.

Saka siya bumili ng sabon, asukal at tinapay. Nilagay niya ang mga iyon sa trey.

At pinasan niya ang lahat pauwi.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE