TINAGALOG BOOK: ROCKABYE CROCODILE ni Jose Aruego at Ariane Dewey with TAGALOG subtitles
Rockabye Crocodile
nina Jose Aruego at Ariane Dewey
Dalawang matandang baboy-ramo ang nakatira sa gubat. Magkapitbahay sila. Masayahin at mabait si Amabel.
Si Nettie ay salbahe at makasarili.
Isang umaga, pumunta si Amabel sa ilog upang mangisda. Siya ay humuhuni, HUM HUM HUM, habang siya ay dumadaan sa isang puno ng kawayan.
Umindayog ito sa himig niya at naghulog ng dalawang maliliit na isda sa kanyang basket. "Ooh, salamat," sabi niya.
Sumagot ang kawayan sa pagbuhos ng mga dilis.
Pinuno ni Amabel ang kanyang basket, muling nagpasalamat, at nagpatuloy.
Kailangan pa rin niya ng malaking isda para malagyan ng laman ang kanyang tiyan. Bigla siyang natisod sa isang buwaya. "OH, DEAR!" igik niya.
"Magandang umaga po, Lola.' ungol ng buwaya."Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"
"Pasensiya na," sabi ni Amabel. "Hindi kita nakita. Naghahanap ako ng isda para sa hapunan.
'Manghuhuli ako ng isa para sa iyo," sabi ng buwaya, "kung may gagawin ka para sa akin. Pumasok ka sa kweba ko."
Isang sanggol na buwayang umiiyak ang nakahiga sa putikan sa isang sulok ng madilim na maruming kuweba.
"Ang sweet niya di ba?" sabi ng buwaya. "Pero ayaw niyang tumigil sa kaiiyak. Ipaghele mo siya para makatulog at hindi ka mag-sisisi. Babalik ako agad." At umalis na siya.
Maputik at giniginaw ang sanggol, ngunit marahan siyang hinawakan ni Amabel at ipinag-hele at ipinag-huni. Hindi nagtagal ay tumigil ang sanggol sa pag-ungol at nakatulog.
Pumunta ang buwaya sa pinakamalalim na bahagi ng ilog at nakahuli ng ilang igat at alimango at isang napakalaking isda.
Pagkatapos ay hinabi niya ang isang basket mula sa mga talahib ilog, pinuno ito, at bumalik sa yungib.
"Narito na, Lola," sabi niya. "Bumalik ka lang kung gusto mo ng maraming isda.
"Salamat, gagawin ko," sabi ni Amabel. "Siya ay napakabait na bata". Pagkatapos ay nagmamadali siyang umuwi.
"Saan mo nakuha ang lahat ng isda?" Tanong ni Nettie.
"Nagsimula ang lahat sa puno ng kawayan.'" sabi ni Amabel.
Pagkatapos ay nakakilala ako ng isang buwaya. Sinabi niya kay Nettie ang buong pangyayari habang pinaghatian nila ang isda.
Kinaumagahan, sumugod si Nettie sa ilog na may dalang malaking basket.
Inalog niya ang puno ng kawayan. "Gawin mong isda ang mga dahon mo para sa akin,-utos niya. Walang nangyari. Hinampas niya ng malakas ang puno.
Napabalikwas ang kawayan at pinalipad siya sa isang matinik na palumpong.
"0000WHA!" sigaw niya, at tumakbo sa tabi ng ilog.
"Nasaan ang buwaya na iyon at ang kanyang iyaking anak?" angal niya.
Inilabas ng buwaya ang kanyang ulo sa kweba.
"Oh, andyan ka pala.- angas ni Nettie.
"Kunin mo ang basket na ito at punuin mo ng igat, alimango, at malalaking isda. At bilisan mo!"
Galit na galit ang buwaya, ngunit sinabi niya, "Patulugin mo ang aking anak at gagawin ko ang iyong hinihiling."
Hinawakan ni Nettie ang batang buwaya at inalog-alog ito ng pataas at pababa.
"Ang pangit na bata. Kung mayroon akong katulad mo, tatakbo na lang ako," ngisi niya. Lalong umiyak ang sanggol na buwaya.
Hindi nagtagal ay bumalik ang buwaya. Binawi niya ang kanyang anak at inabot kay Nettie ang isang basket.
"Huwag mong alisin ang takip ng basket na ito bago mo i-kandado ang iyong pinto at mga bintana at ang mga isda ay baka makatakas," ungol niya.
Kinuha ni Nettie ang basket at lumabas ng pinto at tumatakbong pauwi.
"Ang pagkain na ito ay para sa akin," nagpasya siya. “Hindi ako makikihati kay Amabel".
Palihim na pumasok si Nettie sa kanyang bahay at sinara ang pinto. Tinatakan niya ang mga bintana at pinalamanan ng damo ang mga bitak at butas. Sa wakas ay binuksan niya ang basket.
W0000000SH! Lumabas ang mga gagamba at alakdan, daga at paniki. Sumiksik si Nettie sa isang sulok sa takot.
Sa katabing bahay, narinig ni Amabel ang ingay. "Ano kayang gulo iyon," naisip niya.
"Mas mabuting tingnan ko kung ano ang nangyayari sa bahay ni Nettie."
Kinailangan ni Amabel na sirain ang pinto. Ang mga gagamba, alakdan, daga, at paniki ay nagmadaling lumabas sa bukas na pinto.
"Oh, Amabel," umiiyak na sabi ni Nettie. "Natutuwa akong makita ka. Isa akong hangal."
"Kawawang Nettie," sabi ni Amabel. "Pumunta ka sa bahay ko at uminom tayo ng tsaa at sabihin mo sa akin ang lahat ng nangyari tungkol dito."
Mula sa araw na iyon, nagsalitan sina Nettie at Amabel sa pag-aalaga sa sanggol na buwaya at sa puno ng kawayan, at ibinigay sa kanila ng buwaya ang lahat ng isda na kanilang makakain.