×

We gebruiken cookies om LingQ beter te maken. Als u de website bezoekt, gaat u akkoord met onze cookiebeleid.

image

Storybooks Canada Tagalog, Si Tingi at ang mga Baka

Si Tingi at ang mga Baka

Nanirahan si Tingi kasama ng Lola niya.

Magkasama nilang inalagaan ang mga baka.

Isang araw, dumating ang mga sundalo.

Dinakip nila ang mga baka.

Tumakas si Tingi at ang Lola niya at sila'y nagtago.

Nagtago sila sa palumpong hanggang gabi.

Pagkatapos, bumalik ang mga sundalo.

Itinago ni Lola si Tingi sa ilalim ng mga dahon.

Inapakan ng isa sa mga sundalo si Tingi, pero hindi siya kumibo.

Noong alam nilang ligtas na, lumabas si Tingi at ang Lola niya.

Tahimik silang gumapang pabalik ng tahanan nila.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE