Aralin 17 - Ang Pang-araw-araw kong Buhay
Dayalogo: Ano Ang Ginagawa Mo Tuwing Sabado?
PEDRO: Puwede bang makausap si Maria?
MARIA: Si Maria nga ito.
PEDRO: Gusto mo bang pumunta sa konsiyerto sa Sabado ng gabi?
MARIA: Anong oras?
PEDRO: Alas-sais.
MARIA: Naku, hindi ako puwede. Dumadalo ako ng pulong ng Philippine Studies Forum tuwing Sabado.
PEDRO: Anong oras natatapos ang pulong?
MARIA: Nagsisimula ang pulong nang alas-kuwatro at natatapos nang alas-singko. Saan ang konsiyerto?
PEDRO: Sa Abelardo Hall.
MARIA: Anong oras ka pupunta?
PEDRO: Mga alas-singko kwarenta. Nagbabasa ako sa library nang Sabado ng hapon.
MARIA: Sige. Pumunta ka sa Vinzon's Hall. Doon ang meeting namin.
PEDRO: Sige. Dadaanan kita. Magkita tayo sa Sabado.