×

Utilizziamo i cookies per contribuire a migliorare LingQ. Visitando il sito, acconsenti alla nostra politica dei cookie.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 7.7 Pagbabasa - Ang Aking Pamilya

7.7 Pagbabasa - Ang Aking Pamilya

Ito ang pamilya ko sa araw ng kasal ko.

Nakasuot ako ng mahabang puting bestida at nakasuot ang asawa kong si Pierre ng Barong Tagalog. Kasama namin sa larawan ang nanay kong si Shayne, ang tatay kong si Bien, at ang mga kapatid kong sina Silay at Sining. Nasa larawan din ang anak ni Silay na si Maxine at ang asawa ni Silay na si Vencer.

Nakasuot din si Bien ng Barong Tagalog at nakasuot naman si Shayne ng baro't saya. Sina Silay at Sining ay nakasuot ng asul at kahel na mga bestida at si Vencer ay nakasuot ng puting polo.

Wala sa larawan ang anak namin ni Pierre na si Elia. Iba ang nanay ni Elia pero anak ko na rin siya ngayon. Labingdalawang taon na si Elia.

Wala rin sa larawan ang tunay kong mga magulang dahil yumao na sila. Pero may pamilya ako at nasa larawan sila.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE