Lupang Hinirang (Ang pambansang awit ng Pilipinas)
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig, Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula, at awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y, Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya, Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.