×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.


image

Storybooks Canada Tagalog, Si Simbegwire

Si Simbegwire

Nagdalamhati si Simbegwire nang pumanaw ang kanyang Nanay. Ginawa ng Tatay ni Simbegwire ang lahat ng kanyang makakaya para alagaan ang kanyang anak. Unti-unti, natutunan nilang maging masaya, kahit na wala na ang Nanay ni Simbegwire. Tuwing umaga ay naupo sila at pinag-usapan ang darating na araw. Bawat gabi ay magkasama silang naghain ng hapunan. Pagkatapos nilang hugasan ang mga pinggan, tinulungan si Simbegwire ng Tatay niya sa kanyang takdang-aralin.

Isang araw, ginabi ng uwi ang Tatay ni Simbegwire. “Nasaan ka na, anak?” tawag niya. Tumakbo si Simbegwire sa kanyang Tatay. Tumigil siya nang nakita niyang hawak ng Tatay niya ang kamay ng isang babae. “Gusto kong makilala mo ang isang taong espesyal, anak. Ito si Anita,” nakangiti niyang sinabi.

“Ikinagagalak kitang makilala, Simbegwire. Lagi kang ikinukwento sa akin ng Tatay mo,” sabi ni Anita. Pero hindi niya kinamayan o nginitian ang bata. Tuwang-tuwa sa galak ang Tatay ni Simbegwire. Lagi niyang binabanggit na sama-sama silang maninirahan, at kung gaano magiging kaganda ang buhay nila. “Anak, sana tanggapin mo tanggapin mo si Anita bilang iyong ina,” sabi niya.

Nagbago ang buhay ni Simbegwire. Hindi na siya nakakaupo kasama ng kanyang Tatay tuwing umaga. Masyado nang pagod para gumawa ng takdang-aralin si Simbegwire sa gabi dahil sa dami ng gawaing-bagay na iniuutos ni Anita. Natutulog siya kaagad matapos ang hapunan. Ang makulay na kumot na bigay sa kanya ng kanyang Nanay ang tanging nagbibigay-ginhawa kay Simbegwire. Tila hindi napapansin ng kanyang Tatay na hindi masaya si Simbegwire.

Makalipas ang ilang buwan, sinabi ng Tatay ni Simbegwire na luluwas muna siya ng matagal. “Kailangan kong bumiyahe para sa aking trabaho,” sabi niya. “Pero alam kong aalagaan ninyo ang isa't isa.” Nalumbay si Simbegwire, pero hindi ito napansin ng kanyang Tatay. Hindi kumibo si Anita. Hindi rin siya masaya.

Lumala ang kalagayan ni Simbegwire. Kapag hindi niya natapos ang kanyang gawaing-bahay, o kapag nagreklamo siya, sinaktan siya ni Anita. Halos ubusin ng babae ang hapunan, at kapiranggot na tira lang ang iniwan para kay Simbegwire. Umiyak si Simbegwire gabi-gabi, yakap-yakap ang kumot ng Nanay niya.

Isang umaga, tinanghali ng gising si Simbegwire. “Tamad!” sigaw ni Anita. Hinila niya si Simbegwire mula sa kanyang kama. Naipit sa isang pako ang kanyang pinakamamahal na kumot, at napunit ito sa dalawang piraso.

Nabalisa si Simbegwire. Napagdesisyunan niyang maglayas sa kanila. Kinuha niya ang mga kapiraso ng kumot ng kanyang Nanay, nagbaon ng kaunting pagkain, at nilisan ang kanilang bahay. Sinundan niya ang daang tinahak ng kanyang Tatay.

Kinagabihan, umakyat siya sa isang mataas na puno malapit sa ilog at gumawa ng tulugan gamit ang mga sanga. Habang pinatutulog niya ang kanyang sarili, umawit siya: “Maama, maama, maama, iniwan mo ako. Iniwan mo ako at hindi ka na bumalik. Hindi na ako mahal ni Tatay. Nanay, kailan ka babalik? Iniwan mo ako.”

Kinaumagahan, inawit itong muli ni Simbegwire. Nang dumating ang mga kababaihan sa ilog para maglaba, narinig nila ang panaghoy galing sa mataas na puno. Akala nila na hangin lamang ito na pumapagaspas sa mga dahon, at nagpatuloy sa kanilang gawain. Pero pinakinggang mabuti ng isa sa mga babae ang awit.

Tumingin ang babae sa itaas ng puno. Nang makita niya ang bata at ang makukulay na kapiraso ng kumot, umiyak siya, “Simbegwire, anak ng aking kapatid!” Tumigil sa paghuhugas ang ibang babae at tinulungang bumaba si Simbegwire mula sa puno. Niyakap ng kanyang tiyahin si Simbegwire at pinatahan siya.

Dinala si Simbegwire ng kanyang tiyahin sa kanilang bahay. Naghain siya ng mainit na pagkain para kay Simbegwire at pinatulog kasama ng kanyang mahal na kumot. Nang gabing iyon, lumuha si Simbegwire sa kanyang pagtulog. Pero ito ay luha ng ginhawa. Alam niyang aalagaan siya ng kanyang tiyahin.

Nang bumalik ang Tatay ni Simbegwire, nakita niyang walang laman ang silid nito. “Anong nangyari, Anita?” malungkot niyang tanong. Ipinaliwanag ng babae na lumayas si Simbegwire. “Gusto ko lang naman na galangin niya ako,” sabi niya. “Pero marahil ay naging masyado akong mahigpit.” Umalis ang tatay ni Simbegwire at tinahak ang direksiyon ng ilog. Nagpatuloy siya sa nayon ng kanyang kapatid para alamin kung nakita ba niya si Simbegwire.

Nakikipaglaro si Simbegwire sa kanyang mga pinsan nang makita niya ang kanyang Tatay mula sa malayo. Natakot siya na baka galit ito, kaya nagtago siya sa loob ng bahay. Pero nilapitan siya ng kanyang Tatay at sinabi, “Simbegwire, nakahanap ka ng perpektong Nanay para sa sarili mo. Isang Nanay na nagmamahal at nakaiintindi sa'yo. Ipinagmamalaki kita at mahal kita.” Napagsang-ayunan nila na maaaring makitira si Simbegwire sa kanyang tiyahin hangga't kailan niya gusto.

Araw-araw ay dumalaw ang kanyang Tatay. Dumating ang panahon na isinama rin niya si Anita. Hinawakan niya ang kamay ni Simbegwire. “Patawarin mo ako, anak, at nagkamali ako,” iyak niya. “Puwede mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon?” Tumingin si Simbegwire sa kanyang Tatay at sa nag-aalalang mukha nito. Pagkatapos ay humakbang siya at dahan-dahang niyakap si Anita.

Sumunod na linggo, inanyayahan ni Anita si Simbegwire, kasama ng kanyang mga pinsan at tiyahin, sa kanilang bahay para sa isang tanghalian. Ang sarap ng handaan! Inihain ni Anita ang lahat ng paboritong pagkain ni Simbegwire, at kumain ang lahat hanggang sila'y nabusog. Naglaro ang mga bata habang nag-usap ang mga matatanda. Nakaramdam si Simbegwire ng kasiyahan at lakas ng loob. Napag-isipan niya na marahil, sa madaling panahon, ay uuwi siya para manirahan kasama ng kanyang Tatay at kanyang madrasta.

Si Simbegwire Simbegwire Simbegwire Simbegwire シンベグワイヤー

Nagdalamhati si Simbegwire nang pumanaw ang kanyang Nanay. Simbegwire grieved when his Mother passed away. Ginawa ng Tatay ni Simbegwire ang lahat ng kanyang makakaya para alagaan ang kanyang anak. Simbegwire's Dad did everything he could to take care of his son. Unti-unti, natutunan nilang maging masaya, kahit na wala na ang Nanay ni Simbegwire. Little by little, they learn to be happy, even though Simbegwire's Mom is gone. Tuwing umaga ay naupo sila at pinag-usapan ang darating na araw. Every morning they sat down and discussed the coming day. Bawat gabi ay magkasama silang naghain ng hapunan. Every night they served dinner together. Pagkatapos nilang hugasan ang mga pinggan, tinulungan si Simbegwire ng Tatay niya sa kanyang takdang-aralin. After they washed the dishes, his Dad helped Simbegwire with his homework.

Isang araw, ginabi ng uwi ang Tatay ni Simbegwire. One day, Simbegwire's Dad came home late. “Nasaan ka na, anak?” tawag niya. "Where have you been, son?" he called. Tumakbo si Simbegwire sa kanyang Tatay. Simbegwire ran to his Dad. Tumigil siya nang nakita niyang hawak ng Tatay niya ang kamay ng isang babae. He stopped when he saw his Dad holding a woman's hand. “Gusto kong makilala mo ang isang taong espesyal, anak. “I want you to meet someone special, son. Ito si Anita,” nakangiti niyang sinabi. This is Anita," he said with a smile.

“Ikinagagalak kitang makilala, Simbegwire. “Nice to meet you, Simbegwire. Lagi kang ikinukwento sa akin ng Tatay mo,” sabi ni Anita. Your Dad always tells me stories about you," said Anita. Pero hindi niya kinamayan o nginitian ang bata. But he didn't shake the boy's hand or smile. Tuwang-tuwa sa galak ang Tatay ni Simbegwire. Simbegwire's Dad was overjoyed. Lagi niyang binabanggit na sama-sama silang maninirahan, at kung gaano magiging kaganda ang buhay nila. He always mentions that they will live together, and how wonderful their life will be. “Anak, sana tanggapin mo tanggapin mo si Anita bilang iyong ina,” sabi niya. "Son, I hope you accept Anita as your mother," he said.

Nagbago ang buhay ni Simbegwire. Simbegwire's life changed. Hindi na siya nakakaupo kasama ng kanyang Tatay tuwing umaga. He can no longer sit with his Dad every morning. Masyado nang pagod para gumawa ng takdang-aralin si Simbegwire sa gabi dahil sa dami ng gawaing-bagay na iniuutos ni Anita. Simbegwire was too tired to do homework at night because of the amount of work Anita was ordering. Natutulog siya kaagad matapos ang hapunan. He sleeps right after dinner. Ang makulay na kumot na bigay sa kanya ng kanyang Nanay ang tanging nagbibigay-ginhawa kay Simbegwire. The colorful blanket that his Mother gave him was the only thing that comforted Simbegwire. Tila hindi napapansin ng kanyang Tatay na hindi masaya si Simbegwire. His Dad didn't seem to notice that Simbegwire was unhappy.

Makalipas ang ilang buwan, sinabi ng Tatay ni Simbegwire na luluwas muna siya ng matagal. A few months later, Simbegwire's Dad said he was going out for a long time. “Kailangan kong bumiyahe para sa aking trabaho,” sabi niya. “I have to travel for my job,” he said. “Pero alam kong aalagaan ninyo ang isa't isa.” Nalumbay si Simbegwire, pero hindi ito napansin ng kanyang Tatay. "But I know you will take care of each other." Simbegwire was depressed, but his Dad didn't notice. Hindi kumibo si Anita. Anita didn't move. Hindi rin siya masaya. He is not happy either.

Lumala ang kalagayan ni Simbegwire. Simbegwire's condition worsened. Kapag hindi niya natapos ang kanyang gawaing-bahay, o kapag nagreklamo siya, sinaktan siya ni Anita. When he didn't finish his homework, or when he complained, Anita hit him. Halos ubusin ng babae ang hapunan, at kapiranggot na tira lang ang iniwan para kay Simbegwire. The woman had almost finished the dinner, leaving only jealous leftovers for Simbegwire. Umiyak si Simbegwire gabi-gabi, yakap-yakap ang kumot ng Nanay niya. Simbegwire cried every night, hugging his Mother's blanket.

Isang umaga, tinanghali ng gising si Simbegwire. One morning, Simbegwire woke up at noon. “Tamad!” sigaw ni Anita. “Lazy!” Anita shouted. Hinila niya si Simbegwire mula sa kanyang kama. He pulled Simbegwire from his bed. Naipit sa isang pako ang kanyang pinakamamahal na kumot, at napunit ito sa dalawang piraso. Her beloved blanket got caught in a nail, and it was torn in two.

Nabalisa si Simbegwire. Simbegwire was disturbed. Napagdesisyunan niyang maglayas sa kanila. He decided to run away from them. Kinuha niya ang mga kapiraso ng kumot ng kanyang Nanay, nagbaon ng kaunting pagkain, at nilisan ang kanilang bahay. He took the pieces of his Mother's blanket, buried some food, and left their house. Sinundan niya ang daang tinahak ng kanyang Tatay. He followed his father's path.

Kinagabihan, umakyat siya sa isang mataas na puno malapit sa ilog at gumawa ng tulugan gamit ang mga sanga. At night, he climbed a tall tree near the river and made a bed with branches. Habang pinatutulog niya ang kanyang sarili, umawit siya: “Maama, maama, maama, iniwan mo ako. As she puts herself to sleep, she sings: “Maama, maama, maama, you left me. Iniwan mo ako at hindi ka na bumalik. You left me and never came back. Hindi na ako mahal ni Tatay. Dad doesn't love me anymore. Nanay, kailan ka babalik? Mom, when are you coming back? Iniwan mo ako.” You left me."

Kinaumagahan, inawit itong muli ni Simbegwire. The next morning, Simbegwire sang it again. Nang dumating ang mga kababaihan sa ilog para maglaba, narinig nila ang panaghoy galing sa mataas na puno. When the women came to the river to wash, they heard wailing from a tall tree. Akala nila na hangin lamang ito na pumapagaspas sa mga dahon, at nagpatuloy sa kanilang gawain. They thought it was just the wind rustling the leaves, and continued their work. Pero pinakinggang mabuti ng isa sa mga babae ang awit. But one of the women listened carefully to the song.

Tumingin ang babae sa itaas ng puno. The woman looked up at the tree. Nang makita niya ang bata at ang makukulay na kapiraso ng kumot, umiyak siya, “Simbegwire, anak ng aking kapatid!” Tumigil sa paghuhugas ang ibang babae at tinulungang bumaba si Simbegwire mula sa puno. When he saw the boy and the colorful piece of blanket, he cried, "Simbegwire, my brother's son!" The other woman stopped washing and helped Simbegwire down from the tree. Niyakap ng kanyang tiyahin si Simbegwire at pinatahan siya. Her aunt hugged Simbegwire and let her live.

Dinala si Simbegwire ng kanyang tiyahin sa kanilang bahay. His aunt took Simbegwire to their house. Naghain siya ng mainit na pagkain para kay Simbegwire at pinatulog kasama ng kanyang mahal na kumot. He served a warm meal for Simbegwire and made him sleep with his dear blanket. Nang gabing iyon, lumuha si Simbegwire sa kanyang pagtulog. That night, Simbegwire wept in his sleep. Pero ito ay luha ng ginhawa. But these are tears of relief. Alam niyang aalagaan siya ng kanyang tiyahin. He knew his aunt would take care of him.

Nang bumalik ang Tatay ni Simbegwire, nakita niyang walang laman ang silid nito. When Simbegwire's Father returned, he found his room empty. “Anong nangyari, Anita?” malungkot niyang tanong. "What happened, Anita?" he asked sadly. Ipinaliwanag ng babae na lumayas si Simbegwire. The woman explained that Simbegwire ran away. “Gusto ko lang naman na galangin niya ako,” sabi niya. "I just want him to respect me," he said. “Pero marahil ay naging masyado akong mahigpit.” Umalis ang tatay ni Simbegwire at tinahak ang direksiyon ng ilog. "But maybe I was too strict." Simbegwire's father left and went in the direction of the river. Nagpatuloy siya sa nayon ng kanyang kapatid para alamin kung nakita ba niya si Simbegwire. He continued to his brother's village to find out if he had seen Simbegwire.

Nakikipaglaro si Simbegwire sa kanyang mga pinsan nang makita niya ang kanyang Tatay mula sa malayo. Simbegwire was playing with his cousins when he saw his Dad from a distance. Natakot siya na baka galit ito, kaya nagtago siya sa loob ng bahay. She was afraid that he might be angry, so she hid inside the house. Pero nilapitan siya ng kanyang Tatay at sinabi, “Simbegwire, nakahanap ka ng perpektong Nanay para sa sarili mo. But her Dad approached her and said, “Simbegwire, you have found the perfect Mom for yourself. Isang Nanay na nagmamahal at nakaiintindi sa'yo. A Mother who loves and understands you. Ipinagmamalaki kita at mahal kita.” Napagsang-ayunan nila na maaaring makitira si Simbegwire sa kanyang tiyahin hangga't kailan niya gusto. I'm proud of you and I love you.” They agreed that Simbegwire could live with his aunt as long as he wanted.

Araw-araw ay dumalaw ang kanyang Tatay. His father visited every day. Dumating ang panahon na isinama rin niya si Anita. The time came when he also took Anita with him. Hinawakan niya ang kamay ni Simbegwire. He held Simbegwire's hand. “Patawarin mo ako, anak, at nagkamali ako,” iyak niya. "Forgive me, son, and I made a mistake," he cried. “Puwede mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon?” Tumingin si Simbegwire sa kanyang Tatay at sa nag-aalalang mukha nito. “Can you give me another chance?” Simbegwire looked at his Dad and his concerned face. Pagkatapos ay humakbang siya at dahan-dahang niyakap si Anita. Then he stepped forward and gently hugged Anita.

Sumunod na linggo, inanyayahan ni Anita si Simbegwire, kasama ng kanyang mga pinsan at tiyahin, sa kanilang bahay para sa isang tanghalian. The following week, Anita invited Simbegwire, along with her cousins and aunt, to their house for a lunch. Ang sarap ng handaan! The feast was delicious! Inihain ni Anita ang lahat ng paboritong pagkain ni Simbegwire, at kumain ang lahat hanggang sila'y nabusog. Anita served all of Simbegwire's favorite foods, and everyone ate until they were full. Naglaro ang mga bata habang nag-usap ang mga matatanda. The children played while the adults talked. Nakaramdam si Simbegwire ng kasiyahan at lakas ng loob. Simbegwire felt happy and emboldened. Napag-isipan niya na marahil, sa madaling panahon, ay uuwi siya para manirahan kasama ng kanyang Tatay at kanyang madrasta. He thought that maybe, soon, he would come home to live with his Dad and his stepmother.