TINAGALOG BOOK: KUWENTO NG BUWAYA nina Jose at Ariane Aruego w/ TAGALOG subtitles
Kwento ng Buwaya
Kwentong Bayan nina Jose at Ariane Aruego
Isang araw habang naglalakad si Juan malapit sa ilog, may narinig siyang umiiyak.
Pagtingin niya sa paligid, nakita niya ang isang buwaya na nakatali sa puno.
"Matutulungan ba kita?" tanong ni Juan.
"Kung pakakawalan mo ako, bibigyan kita ng gintong singsing," sabi ng buwaya.
Kinalas ni Juan ang tali at nagtanong. "Maaari ko na bang makuha ang singsing ngayon?"
"Hindi ko dala," sagot ng buwaya. "Sumakay ka sa likod ko at kukunin natin."
Nang makarating sila sa gitna ng ilog, sinabi ng buwaya, "Wala akong gintong singsing. At ngayon kakainin na kita!"
"Hindi iyon makatarungan!" sigaw ni Juan. "Hindi mo ako puwedeng kainin. Niligtas ko ang buhay mo."
Tumawa ang buwaya.
"Karamihan sa mga lalaki ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon na makain ng isang buwaya."
Maya maya lang ay may dumating na lumulutang na isang lumang basket.
"Plis, tanungin natin ang basket na iyon kung kakainin mo ba ako o hindi: pakiusap ni Juan.
"Kung gusto mo: sumang-ayon ang buwaya.
“Basket, basket,” tawag ni Juan. "Pakiusap ayusin mo ang isang argumento para sa amin.
Natagpuan ko ang buwaya na ito sa isang bitag. Nangako siya sa akin ng isang gintong singsing kung pakakawalan ko siya.
Ngunit nang tanggalin ko ang tali, sinabi niya na wala siyang gintong singsing, at kakainin niya raw ako. Matatawag mo bang pagkilala iyon ng utang na loob?"
"Noong bago pa lang ako." sabi ng basket,
"Nagdadala ako ng bigas sa palengke para sa aking panginoon, at prutas para sa kanyang asawa, at nakipaglaro sa kanilang anak.
Ngunit nang ako'y naluma na, itinapon nila ako."
"Ang mga tao ay hindi marunong magpasalamat, buwaya, kaya bakit kailangan mo ring gawin? Sige at kainin mo siya," sabi ng basket.
"Salamat." sagot ng buwaya. "Gagawin ko."
"Hindi!" sigaw ni Juan. Tumingin siya sa paligid, at nakakita ng isang sumbrero.
"Ano ang problema?" tanong ng sumbrero, na lumulutang sa malapit, na tumawag ito.
"Narinig ko itong buwaya na umiiyak dahil siya ay nahuli," sagot ni Juan.
"Pinalaya ko siya at ngayon gusto niya akong kainin. Sa tingin mo ba tama iyon?"
"Noong ako ay bago, sabi ng sumbrero, "sinusuot ako ng aking panginoon na may buong pagmamalaki sa lungsod.
Nilililiman ko siya mula sa araw habang siya ay nagtatrabaho at pinananatiling tuyo kapag umuulan.
Pero nang naluma na ako, itinapon niya ako sa ilog."
"Ang mga tao ay walang utang na loob, kaya bakit kailangan mo rin? Sige at kainin mo siya, buwaya," sabi ng sombrero.
"Narinig mo iyon?" sabi ng buwaya, ibinuka ang kanyang bibig upang lamunin ang bata.
"Hindi, hindi pa!" sigaw ni Juan.
"Tanungin natin yung unggoy na nasa puno ng saging doon."
“Sige, pero bilisan mo,” naiinip na sabi ng buwaya.
"Ito na ang iyong huling pagkakataon."
"Unggoy, unggoy!" sigaw ni Juan. "Kakainin ako ng buwaya na ito!"
"Hindi kita marinig!" sigaw pabalik ng unggoy. "Lumapit ka ng konti."
Lumangoy ang buwaya patungo sa pampang. Sumigaw si Juan, "Nahuli ang buwaya na ito—"
"Hindi pa rin kita naririnig," tawag ng unggoy. "Hindi ka ba pwedeng lumapit ng konti?"
(UNGOL NG BUWAYA)
Ungol ng buwaya. "Gusto ko lang kainin ang batang ito," habang lumalangoy siya palapit sa pampang.
Pagdaka ay tumalon si Juan sa pampang na ligtas. "Oh salamat." sabi niya sa unggoy.
"Iniligtas mo ang aking buhay at palagi akong magpapasalamat."
"Kung ganoon ay baka pagbigyan mo ako," sabi ng unggoy.
"Kung maaari mong hikayatin ang iyong ama na magtanim ng mas maraming puno ng saging, para maging sagana para sa ating lahat.
At kapag nakita mo ako sa kanyang mga puno, pipikit ka ba at hindi mo ako isusumbong?"