Aralin 31 - Pagsasalaysay ng Pangyayari
Dayalogo: Isang Aksidente
MARIA: Narinig mo ba ang balita?
PEDRO: Ano ang nangyari?
MARIA: Naaksidente si Juan.
PEDRO: Saan?
MARIA: Sa Katipunan Avenue. Nabangga ang kotse niya.
PEDRO: Kumusta na siya?
MARIA: Nasa ospital siya.
PEDRO: Kailan nangyari ang aksidente?
MARIA: Kaninang bandang alas-diyes ng umaga.
PEDRO: Kumusta ang isang drayber?
MARIA: Sa kasamaang palad, nasawi ang isang drayber.