Aralin 28 - Paglalarawan ng Tao
Dayalogo: Unang Pagkikita
MARIA: Magandang hapon. Puwede ho bang makausap si Nena?
NENA: Si Nena nga ito. Sino po sila?
MARIA: Nena, si Maria ito. Ako ang susundo sa iyo sa paliparan ng Detroit.
NENA: Paano kita makikilala?
MARIA: Nakasuot ho ako ng pulang blusa at itim na palda. Payat ako at matangkad. Ikaw?
NENA: Ako nama'y nakasuot ng kulay abong bestida. (naman ay) Mahaba at tuwid ang buhok ko. Maliit ako at medyo malaki ang pangangatawan.
MARIA: Sige. Magkita na lang po tayo bukas.
NENA: Sige. Maraming salamat sa pagsundo mo sa akin.