Aralin 22 - Pagbibigay ng Instruksiyon (Pagluluto ng Turon)
Dayalogo: Pagluluto ng Turon
JUAN: Paano ba magluto ng turon?
CLARA: Maghanda ka lang ng saging, lumpia wrapper, pulang asukal, at langka.
JUAN: Tapos?
CLARA: Sumunod dito, hiwain mo nang pahaba ang saging. Pagkatapos, ipagulong mo ang mga piraso ng saging sa asukal.
JUAN: At kapag napagulong ko na?
CLARA: Sa huli, balutin mo ang saging kasama ang pira-pirasong langka sa lumpia wrapper.
JUAN: Paano ko pagdidikitin ang dulo ng lumpia wrapper?
CLARA: Kaunting tubig lang ang pandikit diyan.
JUAN: Tapos?
CLARA: Iprito mo ang saging sa mainit na mantika.
JUAN: Salamat, Clara.