×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 16.4 Pagbabasa - Sina Jose at Andres

16.4 Pagbabasa - Sina Jose at Andres

Ipinanganak sina Jose Rizal at Andres Bonifacio noong panahon ng pananakop ng mga Kastila; si Jose noong 1861, at si Andres noong 1863.

Nag-aral si Rizal sa maraming eskuwelahan: sa Ateneo, Unibersidad ng Santo Tomas, sa Universidad Central de Madrid, sa University of Paris, at University of Heidelberg. Hindi nag-aral sa kolehiyo si Andres pero gusto niyang magbasa.

Dalawang nobela ang sinulat ni Rizal: Ang 'Noli me Tangere', 1887 at 'El Filibusterismo', 1891. Binasa ni Andres and dalawang nobelang ito.

Nang itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa Maynila noong 1892, sumali si Andres Bonifacio. Ipinatapon ng mga Kastila si Rizal sa Dapitan at nahati ang organisasyon sa mga konserbatibo at mga radikal.

Itinatag ni Andres ang Katipunan noon ding 1892 at sumali dito ang mga radikal. Rebolusyon ang sagot ng Katipunan sa pananakop ng mga Kastila.

Dalawang bayani ng Pilipinas sina Jose at Andres.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE