13.2 Mga Halimbawang Pangungusap
- Hindi puwede si Clara sa Sabado ng umaga.
- Libre si Clara sa Sabado ng hapon.
- Sa Sabado ng hapon ang pulong.
- Nasa klinika ng doktor si Clara sa Sabado ng umaga.
- Nasa gym si Clara tuwing Lunes at Miyerkules.
- Nasa unibersidad si Clara araw-araw.
- Magkikita sina Pedro at Clara sa Sabado.
- Nasa Montreal ako tuwing Enero.
- Magsi-skiing ako sa buwan ng Enero.
- Pumupunta ako sa Negros tuwing Abril.
- Nagbabakasyon ako tuwing Abril.
- Nasa Berkeley ako mula Setyembre hanggang Disyembre.
- Nag-aaral ako sa unibersidad mula Setyembre hanggang Disyembre.
- Naglaro ako ng soccer noong Oktubre.
- Mamimitas ako ng mansanas sa Nobyembre.
- Dadalo ako ng kumperensiya sa Disyembre.
- Pupunta ako sa Madrid sa tag-araw.