12.3 Dayalogo: Sa Istasyon ng Bus
PASAHERO: Saan po ako sasakay papuntang Los Baños?
KONDUKTOR: Sa bus na may karatulang “Laguna”.
PASAHERO: Anong oras po aalis ng bus?
KONDUKTOR: Bandang alas-dos kinse po.
PASAHERO: Anong oras po darating ang bus sa Los Baños?
KONDUKTOR: Bandang alas-kuwatro po. Saan kayo bababa?
PASAHERO: Sa “crossing” po sa U.P.. Los Baños.