10.4 Pagbabasa - Ang Alamat ng Bayabas
Noong unang panahon, may isang hari. Nakatira ang hari sa isang malaking palasyo. Maraming puno ng mga prutas sa bakuran ng palasyo, pero ayaw ng hari na ibigay ang prutas sa ibang tao. Kanya ang mga prutas; walang ibang tao na kumakain ng mga ito.
Isang araw, nakatayo ang hari sa balkonahe ng palasyo. Nakita niya ang mga ibon at kumakain sila ng mga prutas ng puno. Sabi niya sa mga sundalo, “Paalisin ninyo ang mga ibon!” Ayaw ng mga sundalo dahil gusto nila ang mga ibon. Pero ginawa nila ang sinabi ng hari.
Isang araw, nasa hardin ang hari. Nahulog ang isang buko mula sa puno ng niyog. Wala nang nakakita sa hari.
Isang araw, nakita ng mga tao ang isang puno. May mga prutas ang puno. Maliit at kulay berde ang mga prutas, at may korona ito. Bayabas ang ibinigay nilang pangalan sa prutas.