×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

LingQ Mini Stories, 10- Pagdiriwang ng Kaarawan – Text to read

LingQ Mini Stories, 10- Pagdiriwang ng Kaarawan

Beginner 2 Tagalog lesson to practice reading

Start learning this lesson now

Pupunta si Jack sa isang kaarawan.

Kailangan niyang bumili ng regalo para kay Meg.

Kaso hindi pumupunta si Jack sa madaming mga salu-salo.

Siya ay kabado at nagtataka kung ano ang bibilhin.

Mahilig si Meg sa alahas, sa mga hayop, at sa kulay asul.

Pumunta si Jack sa tindahan ng alahas.

Nakakita siya ng magandang pilak na kuwintas.

Ang kuwintas ay may asul na pusa.

Masaya si Jack, at binili niya ang kuwintas.

Umaasa siya na magugustuhan ni Meg ang kuwintas

Narito ang parehong kuwento na sinabi sa ibang paraan.

Pupunta ako sa isang kaarawan.

Kailangan kong bumili ng regalo para kay Meg.

Kaso hindi ako pumupunta sa madaming mga salu-salo

Kinakabahan ako at nagtataka kung ano ang bibilhin

Mahilig si Meg sa alahas, sa mga hayop, at sa kulay asul.

Pumunta ako sa tindahan ng alahas

Nakakita ako ng magandang pilak na kuwintas

Ang kuwintas ay may asul na pusa.

Masaya ako at binili ko ang kuwintas

Sana ay magustuhan ni Meg ang kuwintas

Mga Tanong:

1- Pupunta si Jack sa kaarawan ni Meg.

Pupunta ba si Jack sa isang kaarawan?

Oo, pupunta si Jack sa kaarawan ni Meg.

2- Hindi pumupunta sa madaming salu-salo si Jack kaya siya kinakabahan.

Pumupunta ba si Jack sa madaming salu-salo?

Hindi, hindi pumupunta si Jack sa madaming salu-salo kaya siya kinakabahan.

3- Mahilig si Meg sa mga hayop at sa kulay asul.

Mahilig ba si Meg sa mga hayop?

Oo, mahilig si Meg sa mga hayop, at mahilig din siya sa kulay asul.

4- Pumunta sa tindahan ng alahas si Jack.

Pumunta ba si Meg sa tindahan ng alahas?

Hindi, hindi si Meg ang pumunta sa tindahan ng alahas, kundi si Jack.

5- Nakakita si Jack ng pilak na kuwintas.

Nakakita ba si Jack ng pilak na singsing?

Hindi, nakakita siya ng pilak na kuwintas, hindi singsing

6- Pilak ang kuwintas.

Pilak o ginto ba ang kuwintas?

Pilak ang kuwintas, hindi ginto

7- Mayroong asul na pusa doon sa kuwintas.

Mayroon bang lila na pusa doon sa kuwintas?

Wala, may asul na pusa sa kuwintas.

8- Binili ni Jack ang kuwintas dahil umaasa siyang magugustuhan ito ni Meg.

Binili ba ni Jack ang Kuwintas?

Oo, binili ni Jack ang kuwintas dahil umaasa siya na magugustuhan ito ni Meg.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE