Aralin 30 - Paglalarawan ng Damdamin
Dayalogo: Pagbati at Pakikiramay
CLARA: Juan! Kumusta ka?
JUAN: Mabuti naman. Masayang-masaya ako ngayon.
CLARA: Balita ko ay natanggap ka raw sa law school.
JUAN: Oo nga. Nagbunga rin ang pagsusunog ko ng kilay.
CLARA: Binabati kita.
JUAN: Salamat, Clara. May kasiyahan kami mamayang gabi. Puwede ka ba?
CLARA: Pasensiya ka na, pupunta ako sa lamay ng tiyahin ko.
JUAN: Ganoon ba? Nakikiramay ako. Kaya pala mukha kang Biyernes santo.
CLARA: Salamat. Malapit ako sa kanya.
JUAN: Talaga?
CLARA: Oo, akala ng iba ay istrikta siya.
JUAN: Ganoon ba?
CLARA: Pero mabait siya. Matigas lang ang mukha.
JUAN: Ano ang ikinamatay niya?
CLARA: Atake sa puso.