Aralin 20 - Mga Bahagi ng Katawan
Dayalogo: Sa Klinika
DOKTOR: Ano ho ang nararamdaman niyo?
PASYENTE: Masakit po ang ulo ko at may lagnat po ako.
DOKTOR: Masakit ba ang lalamunan niyo?
PASYENTE: Hindi po.
DOKTOR: Inumin mo ang tabletas na ito nang tatlong beses isang araw.
PASYENTE: Puwede ho ba akong pumasok sa klase?
DOKTOR: Huwag kang pumasok sa klase. Dapat kang magpahinga.
PASYENTE: Salamat po.
DOKTOR: Walang anuman. Heto ang reseta.